Sakit ng Kahapon

*poem I wrote X years ago

Alaala ng kahapo’y pumapaimbabaw
Mundo ko’y unti-unting ginugunaw
Bawat sakit muling nararamdaman
Sugat ng alaala muling nararanasan.

Habang sa kawalan, ako’y naka-tanga
Ang iyong mukha pilit inaalala
Nais ibalik ang nagdaang kahapon
Ligaya’t pagmamahalan nais ibangon

Sa aking mga mata, nangingilid ang luha
Dahil alam kong tayo’y tapos na
Isang kahilingang hindi matutupad
Pagmamahalang matagal ng lumipad

Ngayo’y ikaw ay lumisan na
Maligaya na sa piling ng iba
Bakas ng nakaraan, sa iyo’y wala na
Ako’y iniwan, luhaa’t nag-iisa

Sugat ng alaala, sa aki’y tumatanglaw
Sakit ng kahapon, ako’y pinupukaw
Nais makalimot, nais kumawala
Sa bawat kirot na dulot ng alaala


Comments